Sunday, June 23, 2019

Pa-Victim! Charot!

Bakit nga ba may mga tao na pa-biktima? Sila ang mga may gawa ng kasawian nila tapos maghahanap ng masisisi. Bakit hindi yung sarili nila ang pagbuntunan nila???  Simple lng naman ikaw ang gumagawa ng desisyon mo, nagpapatakbo ng buhay mo. Ang nasa paligid mo hanggang payo lang pero madalas ayaw mo sundin kasi hindi yun ang gusto mo. Naisip mo na ba na minsan o madalas ang mga blessings ni God hindi natin natatatangap kasi hindi natin gusto pagkakabalot. Hindi sya makintab parang binalot lang sa dyaryo tapos yung nagdala pa dugyot! Expected mo kasi nakasakay sa white horse, knight and shining armor ang peg! O kaya naman yung tipong nakabelo na hindi makabasag pinggan. Gusto mo yung makisig, matipuno na makakalaglag ng panty mo. Gusto natin darating ang biyaya just the way we like it! 

Isipin mo muna ano ba yung purpose dyan sa pinagdadaanan mo o baka naman wrong way ka o baka din naman pwede kana umusad eh tumambay ka pa. Galaw galaw din pag may time. Hindi ka tuloy makapunta kay Blessy eh ayun lng nilampasan mo pa. Baka kailangan mo bumalik kasi may nakaligtaan ka. Ano kamo? Ayaw mo? Avanacku!!! Lumayo ka man, kung nadaanan mo na pla, eh pahahabain mo lng ang lakaran babalik ka din. Paano kung may nakakakuha ng iba ano ka ngayon eh di NGANGA! Pero okay lang din kasi si God hindi naman nauubusan ng love sa atin meron sya uli ibibigay sayo kaya lng dadaanan mo pa din yung katulad ng dinaanan mo. Ulit ulit lang yan hanggang hindi ka natututo. Kaya mate, gumising ka na! maging alerto. tingnan mo maigi ang nasa paligid mo baka andyan na si Blessy hindi mo pa alam. Nakikipagkilala na sayo sinupladahan mo pa. Kung hindi ka pa naman kalayuan lingunin mo at baka nandoon pa. Kung wala na lakad ka lang.Wag ka tingin ng tingin sa taas sumulyap ka din sa baba. Hinay hinay lng din sa paglarga hindi lahat nakukuha ng pabigla.

Pinakamahalaga wag ka umasa sa iba. Gawin mo ang dapat mong gawin. Take responsibility on your action. Kahit simple lng yan ang mahalaga ikaw ang may gawa. Pumalpak ka man try again. Wag ka magpa-awa hindi ka naman si Mercy. Walang nagwawagi sa self pity. Tumayo ka na nga! sayang lang mga luha mo. Kung hindi ka pa kikilos ngayon wala ng mangyayari lugmok ka na dyan nabaon ka pa. 

Bangon na oy!!!

Thursday, May 7, 2015

Cavite City

Grew up in Cavite City and proud to be a Cavitena. Spent 34 years of my existence there and now I'm missing Cavite City bigtime! I was once running the street of Kalye Marino. Woke up at around 4am from the chanting of the militaries and navies jogging around 'cause we are near Sangley Point. I could still remember their chant...

          " Jogging, Jogging! Jogging, jogging,
             Bibili ng pandesal, bibili ng pandesal,
             Sa may tindahan, sa may tindahan,
             Mantikilya palaman, mantikilya palaman"

It was said twice because the commandant shouting first and the privates seconded. Bought pandesal at Tony's Bakery and waiting for the siren at Sangley Point that signals eight o'clock and time to bring out the panderacion . A lot of panderacion lovers  were already waiting. I admire their tinderas, 'though its burning hot they'll pick it up with bare hands. I remember pandesal was sold for 6pcs for 1peso and the panderacion was 1.25ea. That was way back in the 80s hehehe The pandesal and kisilyo in Dizons and Loyal bakeries. Pan Antigua's pandesal and tamales, also the Robinson's tamales. Yum, yum, yum.

I'd also remember the kare-kare every Sunday at Cagayan (tabi ng tangke). I forgot the name of the lady who sells that but it was superb. The butsi and tikoy sells at the old mercado (market), the banana cue beside Carlo's drug store, those we're always my Mamang's pasalubong and if she had money the siopao at Pat's bakery. I miss my childhood!

I could even taste the tacos and halo-halo at zelcors. If you got hungry and your still in the market hadn't you stop at rachie's and ordered tapsilog? I also love their halo-halo by the way.

Birthdays, debuts, anniversaries, receptions who among Cavitenos who will not think of Chefoo Restaurant? It was already an institution among cavitenos who's looking for good food during celebrations. I so love the fried chicken!

I'd also remember ordering pansit at Mario's. I was so little then but I could still savor the impeccable taste of their pansit.

And those strolling at night, have you stop at Claud Cafe. Have you tried their fried rice and fried chicken?  How about lugaw ni Bebang? (ansarap pampainit sa tyan). When it comes to lugaw I prefered Bebang 'though lugaw in Botchoks and Violy's are also delish but Bebangs is my first choice. Speaking of Violy's, the chaotic scene there before and during lunch time. I'd also been a regular customer ordering kare-kare, BBQ, menudo, caldereta etc. etc. etc. and in the afternoon the puto bungbong in the stall beside Violy's and also the bibingka at Perla Cinema. There's really a lot to miss in Cavite City.

I've heard of the Muralla, the night food market along Samonte Park. Looking forward to try all the food stalls there. I also want to revisit Fort San Felipe to have a glimpse of the old cavite. No need to travel far to be mesmerize with this 1600 historic structure. I was also surprised to learnt that Corregidor was a part of Cavite City. I wish there's a tour from Cavite City to Corregidor so that locals could also appreciate the amazing ruins left of world war II that best describe the richness of our city.

Sunset at checkpoint. The mixing of fiery orange, love-red colour of the sky that is so tranquil. Peaceful, content, solemn, the cold-warmth feeling of the sun as it began to hide itself.

Cavite City fiesta. Celebrating every second Sunday of November. The busy streets filled with happy people. The warmth hospitality of every families that welcomes all guests on their homes. The lavish dishes serve on their buffet table. It really was a festival of foods, people and tradition of the city.

REGADA!!! Cavite City water festival! Tubig!!! Tubig!!! Tubig!!! What else can I say but "Rock n' Roll"!!!

Oh Cavite City! How I miss you Cavite City! Wish you'll come back on your glory days. The City known for it's finest. The city of the Aristocrats. I'll come back to you or should I say I shall return! :)

Wednesday, April 15, 2015

Bitay sa Droga... ( I published this blog way back 2011 when three Filipinos we're executed in China of death penalty. Now that another Filipino is inline again but this time in Indonesia I'm reposting this. A salute to all Filipino Overseas Workers. Filipino Mabuhay Ka! )

Kamakailan lamang ng ginulantang tayo ng natuloy na pagbitay ng ating mga kababayan sa lupain ng mga Intsik.. Nagkataon pa na ang isa ay tubong Cavite din.. Nakakalungkot isipin na ang mga tsekwang minsang inaruga ng ating bansa ang sya pang pumaslang sa kanila... Mas nakakalungkot din isipin na ang mga kababayan nating ito ay biktima din lamang... Biktima ng bulok na sistema dito sa atin... Mga taong naghangad na maiahon sa hirap ang mga pamilya na sa kasawiang palad ay sa dusa lumagapak... Ano pa ang naghihintay sa iba pa nating mga kababayan na nka-line up para bitayin..??? Ano ba ang kayang gawin ng gobyerno para maisalba ang buhay nila...??? Meron nga bang magagawa o hintayin na lang din natin ang pag-uwi ng ating mga kababayan na nakasilid na sa kahon...???

Lethal Injection = pinakamakataong paraan ng pakitil ng buhay ng isang taong nagkasala... Ito din ang makabagong paraan ng pagsasakatuparan ng hatol na kamatayan... Kung dati ay Electric Chair kung saan tinutusta ang katawan ng may sala na parang baboy ngayon ay ginagamitan na ng mga gamot...

Unang ituturok ang Sodium Thiopental = Gamot na mabilis na nagpapawala ng kamalayan ng taong hinatulan... Sunod ang Pancuronium = pinaparalisa nito ang diaphragm at respiratory muscles na nagpapahirap sa paghinga hanggang magdulot ng kamatayan... huling ituturok ang gamot na Potassium Chloride = gamot na nagpapahinto ng pagtibok ng puso... Minuto matapos iturok ang mga gamot na ito siguradong patay ang nahatulan...

Makatao man na pamamaraan... May maramdaman ka man o wala para sa mga kababayan natin na Nangarap... Umasam ng kaginhawaan... Natukso na kumita ng malaki... Eto nga ba ang kaparusahan na Nararapat...???  Nasaan na ang Pagbabago...??? Kailan pa ito Mararamdaman...??? Kailan mapupuksa ang Panggagamit ng mga Dayuhan sa mga Filipinong hangad lamang na bigyan ng masaganang buhay ang mga pamilya na nandito sa naghihirap nating Bansa...???

Friday, January 21, 2011

Wala Ka bang Magawa??? Para Sayo To!!!

Marami sa tin mga walang magawa... Pipinapalipas ang oras ng wala lang... Basta dumaan ang araw ayos na tayo!!! Nakaraos na sa isang araw na hindi alam kung bakit meron...TAMA BA YON??? Gusto mo malaman ang sagot ko??? shempre sagot ko TAMA!!! Eh wala ngang magawa eh... Wag na kumontra h!!! Moment ko to!!! Ang mali eh ang mambasag ng trip ng iba!!!

Akala nyo ba madali ang walang ginagawa??? Mahirap din kaya noh... Nakakaburyong(praning)!!! Lucracious(naloloka) ang lola mo!!! Minsan nga ginawa ko kinalat ko lahat ng gamit ko tapos inayos ko uli... Wala lang trip lang...  Minsan din nagipon ako ng tubig. Pinuno ko lahat ng drum namin, ng matapos tinapon ko uli ang laman... Wala nga kasing magawa eh... Haist... Ganyan lang talaga... Minsan naman magtitimpla ako ng kape tapos uupo sa may bintana naming malaki... Tanaw ko lahat ng mga dumadaan... Walang makakaligtas sa matatalas kong paningin... Lahat napapansin ko ultimo butas na pundilyo ng dumadaan nakikita ko... Pati nga ang pagpaparoo't parito ni Bentong Sira-ulo nabilang ko eh... Naka-20 syang pabalik-balik sa loob ng 1ng oras... Tibay din ng paa ng batang 'to... Sa isang banda pareho lang naman kami eh... Anong sabi mo??? Pareho kaming sira-ulo!!! Gusto mo ng away h!?!? Ang sama naman,,, medyo-medyo lang noh!!! Ibig ko sabihin pareho kaming walang magawa...

Alam nyo din b na ako ang unang naka-alam ng pangangaliwa ng kapit-bahay ko??? Ikaw naman wag mo na tanungin ang pangalan... Hindi ka din naman msyadong tsismoso noh!?!? Basta napansin ko na lang ang mga malalagkit nilang tinginan, ang mga pag-nguso-nguso nila sa isa't-isa... Hay naku!!! May eklabush ang dalawang ito sabi ko sa sarili ko at tumpak ang aking sapantaha wala pang isang buwan nagising na lang ako na may nagkakarambulan sa labas... Pagbukas ko ng bintana... Si B1 sinapak si B2.. Gumanti din naman si B2, sinapak din si B1... Hindi sila maawat!!! Sapakan ng sapakan!!! Ayun basag na nga ang mga mukha lalo pang nabasag... Kawawa naman... Pero ng kapwa napagod, sila na din ang tumigil... Hays... ang haba ng hair ng girlash... akalain mong pag-awayan ng  dalawang boylet... "girl!!! hindi ka kagandahan h!!! " Natapos ang eksena nila na pinalayas ni B1 si girlash... Matapang ang lola mo palibhasa meron ng pamalit kay B1 hindi inalintana ang iyakan ng mga anak nila... Mga kawawang munting bubwit... Sila ang biktima ng kakatihan ng ina nila... INA NYO TALAGA!!!

Madami pa akong mga nakita sanhi ng kawalan ng ginagawa... Sa pagdungaw sa bintana sari-saring kwento ang tumatambad sa akin... Sa paghigop sa isang basong kape mga istorya agad mo ng mahahagap... Di ko naman sinasadya basta na lang nadyan...  Magaganda, mga pangit, may mga tama o wala... Bata, matanda, tomboy, bakla... Lalaki o babae lahat ng mga yan nasa paligid mo... Wala ka man ginagawa sila meron... Pulutin mo lang yung alam mong tama... Wag itapon ang mali bagkus ito ang pagbasehan mo...Nakita mo na mga pangyayari, matuto ka sa mga nakita mo... Wala ka mang magawa matuto ka pa din... Tambay kana nga  hahayaan mo pa bang maging patapon ka... Aba!!! kilos na... Galaw-galaw... Banatin na ang mga dapat banatin... Umpisahan na ang paggawa ha... Ako nga eto inuumpisahan ko na eh... Abangan nyo lang susunod... Samahan nyo ako ha...Ako nga pla si IndayLucring...

Pa-Victim! Charot!

Bakit nga ba may mga tao na pa-biktima? Sila ang mga may gawa ng kasawian nila tapos maghahanap ng masisisi. Bakit hindi yung sarili nila an...