Sunday, June 23, 2019

Pa-Victim! Charot!

Bakit nga ba may mga tao na pa-biktima? Sila ang mga may gawa ng kasawian nila tapos maghahanap ng masisisi. Bakit hindi yung sarili nila ang pagbuntunan nila???  Simple lng naman ikaw ang gumagawa ng desisyon mo, nagpapatakbo ng buhay mo. Ang nasa paligid mo hanggang payo lang pero madalas ayaw mo sundin kasi hindi yun ang gusto mo. Naisip mo na ba na minsan o madalas ang mga blessings ni God hindi natin natatatangap kasi hindi natin gusto pagkakabalot. Hindi sya makintab parang binalot lang sa dyaryo tapos yung nagdala pa dugyot! Expected mo kasi nakasakay sa white horse, knight and shining armor ang peg! O kaya naman yung tipong nakabelo na hindi makabasag pinggan. Gusto mo yung makisig, matipuno na makakalaglag ng panty mo. Gusto natin darating ang biyaya just the way we like it! 

Isipin mo muna ano ba yung purpose dyan sa pinagdadaanan mo o baka naman wrong way ka o baka din naman pwede kana umusad eh tumambay ka pa. Galaw galaw din pag may time. Hindi ka tuloy makapunta kay Blessy eh ayun lng nilampasan mo pa. Baka kailangan mo bumalik kasi may nakaligtaan ka. Ano kamo? Ayaw mo? Avanacku!!! Lumayo ka man, kung nadaanan mo na pla, eh pahahabain mo lng ang lakaran babalik ka din. Paano kung may nakakakuha ng iba ano ka ngayon eh di NGANGA! Pero okay lang din kasi si God hindi naman nauubusan ng love sa atin meron sya uli ibibigay sayo kaya lng dadaanan mo pa din yung katulad ng dinaanan mo. Ulit ulit lang yan hanggang hindi ka natututo. Kaya mate, gumising ka na! maging alerto. tingnan mo maigi ang nasa paligid mo baka andyan na si Blessy hindi mo pa alam. Nakikipagkilala na sayo sinupladahan mo pa. Kung hindi ka pa naman kalayuan lingunin mo at baka nandoon pa. Kung wala na lakad ka lang.Wag ka tingin ng tingin sa taas sumulyap ka din sa baba. Hinay hinay lng din sa paglarga hindi lahat nakukuha ng pabigla.

Pinakamahalaga wag ka umasa sa iba. Gawin mo ang dapat mong gawin. Take responsibility on your action. Kahit simple lng yan ang mahalaga ikaw ang may gawa. Pumalpak ka man try again. Wag ka magpa-awa hindi ka naman si Mercy. Walang nagwawagi sa self pity. Tumayo ka na nga! sayang lang mga luha mo. Kung hindi ka pa kikilos ngayon wala ng mangyayari lugmok ka na dyan nabaon ka pa. 

Bangon na oy!!!

No comments:

Post a Comment

Pa-Victim! Charot!

Bakit nga ba may mga tao na pa-biktima? Sila ang mga may gawa ng kasawian nila tapos maghahanap ng masisisi. Bakit hindi yung sarili nila an...