Wednesday, April 15, 2015

Bitay sa Droga... ( I published this blog way back 2011 when three Filipinos we're executed in China of death penalty. Now that another Filipino is inline again but this time in Indonesia I'm reposting this. A salute to all Filipino Overseas Workers. Filipino Mabuhay Ka! )

Kamakailan lamang ng ginulantang tayo ng natuloy na pagbitay ng ating mga kababayan sa lupain ng mga Intsik.. Nagkataon pa na ang isa ay tubong Cavite din.. Nakakalungkot isipin na ang mga tsekwang minsang inaruga ng ating bansa ang sya pang pumaslang sa kanila... Mas nakakalungkot din isipin na ang mga kababayan nating ito ay biktima din lamang... Biktima ng bulok na sistema dito sa atin... Mga taong naghangad na maiahon sa hirap ang mga pamilya na sa kasawiang palad ay sa dusa lumagapak... Ano pa ang naghihintay sa iba pa nating mga kababayan na nka-line up para bitayin..??? Ano ba ang kayang gawin ng gobyerno para maisalba ang buhay nila...??? Meron nga bang magagawa o hintayin na lang din natin ang pag-uwi ng ating mga kababayan na nakasilid na sa kahon...???

Lethal Injection = pinakamakataong paraan ng pakitil ng buhay ng isang taong nagkasala... Ito din ang makabagong paraan ng pagsasakatuparan ng hatol na kamatayan... Kung dati ay Electric Chair kung saan tinutusta ang katawan ng may sala na parang baboy ngayon ay ginagamitan na ng mga gamot...

Unang ituturok ang Sodium Thiopental = Gamot na mabilis na nagpapawala ng kamalayan ng taong hinatulan... Sunod ang Pancuronium = pinaparalisa nito ang diaphragm at respiratory muscles na nagpapahirap sa paghinga hanggang magdulot ng kamatayan... huling ituturok ang gamot na Potassium Chloride = gamot na nagpapahinto ng pagtibok ng puso... Minuto matapos iturok ang mga gamot na ito siguradong patay ang nahatulan...

Makatao man na pamamaraan... May maramdaman ka man o wala para sa mga kababayan natin na Nangarap... Umasam ng kaginhawaan... Natukso na kumita ng malaki... Eto nga ba ang kaparusahan na Nararapat...???  Nasaan na ang Pagbabago...??? Kailan pa ito Mararamdaman...??? Kailan mapupuksa ang Panggagamit ng mga Dayuhan sa mga Filipinong hangad lamang na bigyan ng masaganang buhay ang mga pamilya na nandito sa naghihirap nating Bansa...???

No comments:

Post a Comment

Pa-Victim! Charot!

Bakit nga ba may mga tao na pa-biktima? Sila ang mga may gawa ng kasawian nila tapos maghahanap ng masisisi. Bakit hindi yung sarili nila an...